FEATURE | World Teachers’ Month

“Good day, class!”

Isang simpleng bati na araw-araw nating naririnig mula sa mga guro—kahit kung minsan, hindi naman talaga maganda ang kanilang umaga.

Sa likod ng maaliwalas na mukha, mga banghay-araling pinag-iisipan, at bawat araling inihahanda, may isang gurong napapagod, nangangarap, at nangangailangan ding mapakinggan

Ngayong Teachers’ Month, sila naman ang tanungin natin.

“Ma’am/Sir, kumusta ka?”
“Ma’am/Sir, napapagod ka rin ba?”
“Ma’am/Sir, ano naman ang pangarap mo?”

Dahil sa bawat pagkakataong sinasabi nilang,
“Kaya mo ’yan.”
Sa bawat “Huwag kang susuko.”
At sa bawat pangarap na tinulungan nilang abutin—

Teacher, ikaw naman.

Ikaw naman ang kumustahin.
Ikaw naman ang pakinggan.
Ikaw naman ang pasalamatan.

CGCIans, i-mention mo ang gurong naging bahagi ng iyong kuwento at iwanan siya ng isang maikling mensahe.

Baka ang ilang salitang matagal mo nang gustong sabihin ay siya ring paalala kung bakit patuloy siyang nagtuturo, patuloy siyang nagbibigay, at patuloy siyang naniniwala.

Ngayong Teachers’ Month, Teacher, ikaw naman.

#TatakCGCI
#CGCI
#DitoKaNa